?

Log in

christmas 2016

Dec. 27th, 2016 | 01:33 am

"I am a living proof that a shattered heart can still beat."

Link | Leave a comment | Share

new art page

Dec. 27th, 2016 | 01:28 am

https://www.artblr.com/emilyap
Tags: ,

Link | Leave a comment | Share

2015

Jan. 3rd, 2015 | 05:13 pm

2015 isang taon na makikialam, maglilingkod at makikibahagi sa sambayanan para sa hustiya, kapayapaan at integridad ng Paglikha... tayo na sa bagong lakarang ito

Link | Leave a comment {1} | Share

Ginoo Exhibit

Jul. 3rd, 2014 | 09:03 am

Ginoo ( experiments on Baybayin and Katipunan ) 8th solo et., Quiapo, Manila

Link | Leave a comment | Share

baybayin

Sep. 27th, 2013 | 03:32 pm
location: manila

a baybayin edited
ba baybayin edited
baybayin guhit
baybayin sinauna reference sa booklet - Copy
da ra baybayin edited
DSCF0302
DSCF0304
ei baybayin edited

Link | Leave a comment {1} | Share

Tula at iba pang akda ni Gat Andres Bonifacio

Apr. 1st, 2013 | 09:29 pm

Mga Tula at Akda ni Gat Andres Bonifacio




bonifacio (1) portrait spanish blog





Tapunan ng Lingap
ni Andres Bonifacio

Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak
Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangaririto na para mangga-g*g*,
Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Ng katahimikan at magandang palad;
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Kaluluwa naming nang di mapahamak.



Walang nakatalang impormasyon sa aklat na pinagkuhanan ko ng akdang "Tapunan ng Ligap" o kung kailan ito nilikha ni Andres Bonifacio. Mahihinuhang nilikha ito ni Bonifacio nang mga panahong nakikibaka sila sa mga kaaway na Kastila tulad ng sinasaad sa panghuling stanza na

"Sa pakikibaka'y tapunan ng lingap"

Bakas na bakas din ang kapakumbabaan at tunay na pananalig ni Bonifacio sa Maylikha at sa kapangyarihan nito. Ayon sa ulat ni Hen. Santiago Alvarez, isa sa mga paninirang-puri na pinakalat ni Emilio Aguinaldo sa Cavite ay ang pagiging "Mason at walang pagkilala at pananalig sa Diyos" di umano ni Bonifacio na lubos namang pinabubulaanan ng akdang tulang "Tapunan ng Ligap".

MI ABANICO
Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo major,
De lo major.

El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo podreis mirara,
Por entre las rajillas del abanico
Vereis la mar.


nota:
Ang orihinal na texto ay mula sa ginawang pagsasaliksik ni E. Arsenio Manuel. Ang akdang "Mi Abanico" ay nilikha ni Andres Bonifacio noong bata pa siya at nakakanta pa ng kapatid niyang si Espiridiona nang siya’y kapanayamin ni E.A. Manuel.

Kung sa napaka-murang edad ay nakakalikha na ng isang magandang tula sa wikang Espanyol si Andres Bonifacio ay masasabi nating bagaman walang pormal na pinag-aralan ay may kakaibang katalinuhang taglay si Bonifacio na bihirang-bihira o hindi makikita sa kanyang mga kababata na nagsisipag-aral pa man din sa mga tanyag na Paaralan ng mga Jesuita at Prayle Agustino .

Batay sa kasaysayan, si Andres ang tumayong magulang ng kanyang mga naulilang kapatid; siya ang naghanap-buhay at nagtaguyod sa kanila sa pamamagitan ng pagtitinda ng tungkod at pamaypay. Maaring inawit din ni Andres ang awit na ito habang inaalok sa mga mamimili sa daan ang tinda niyang Abanico.

Ang mga Cazadores
ni Gat Andres Bonifacio

Mga kasadores dito ay padala
Sanhi daw sa gulo’y lilipulin nila
Ngunit hindi laban yaong kinikita
Kundi ang mang-umit ng manok at baka.
Yaong mga bayang sa tahimik kanlong
Sa mga Kastila’y siyang hinahayon,
Ang bawat makita nilang nilalamon
Pinag-aagawan dahilan sa gutom.
Buong kabahayan ay sinasaliksik,
Pilak na makita sa bulsa ang silid;
Gayon ang alahas at piniling damit
Katulad ay sisiw sa limbas dinagit.
Sa mga babae na matatagpuan
Mga unang bati’y ang gawang mahalay;
Kamuntikan man lamang di nagpipitagan
Sa puring malinis na iniingatan.
At ang mga lakong kamatis [at] pakwan,
Milon, at iba pang pinamuhunanan
Walang nalabi sa pag-aagawan
Ng mga Kastila kung matatagpuan.
Lahat ng makita nilang maggagatas
Agad haharangin, dada’nin sa bulas,
Tuloy lalaklakin ng mga dulingas
Anupa nga’t wala nang pinalalampas.
Ngalang “cazadores” hindi nararapat
Kundi “sacadores” ang ukol itawag;
Bakit sa [tagaa’y] malayo at agwat
Mandi’y halataing matakaw at duwag.

*Cazadores, literally, hunters. In the Philippine setting, thecazadores were Spaniards charged with the duty of maintaining peace and order. As such they aided the guardias civiles (civil guards) and tne municipal police force in the enforcement of laws.
The name "cazadores" is a misnomer, it should be "sacadores" instead,* for the promontory is far and distant, indeed they are known to be greedy and cowardly.**

*Bonifacio made a good play of words in the use of "cazadores" and "sacadores", utilizing metathesis to drive home his point.Sacadores means extortionists, from the wordbase sacar, to sack, to extort.

**The last line of the original reads: "mandi halatan malakaw at duwag". The line, at first glance, seems meaningless, owing to the use of the words "mandi" and "halalan", which do not exist in the Tagalog lexicon. But "mandi" must have been a typographical error, and should read "mandin", while "halatan" should read "halatang", from "halala", known or that which is seen through.



....
Katapusang Hibik ng Pilipinas
ni Andres Bonifacio

Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog,O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,l
angit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

..
Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
ni Andres Bonifacio


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa sariling[*] lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat;
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pagkasi?
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbigay-init sa lunong[†] katawan.

Sa kanila’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin,
liban pa sa bayan, saan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
ng parang [at][‡] gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t isaalaala
ang ina’t ang giliw lumipas na saya.

Tubig [na] malinaw sa anaki’y bubog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaaaliw sa pusong may lungkot.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Dapwat kung ang bayan ng Katagaluga’y
nilalapastangan at niyuyurakan
katuwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong tagaibang bayan.

Di gaano kaya ang paghihinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait?
Aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang panghihinayang[§]
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?

Kung ang pagkabaon [at] pagkabusabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng panghampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaaagos?

Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
ang hindi gumugol ng dugo at buhay.

Mangyayari kaya na ito’y malangap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Kastilang hamak?

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos?
at natitilihang ito’y mapanood!

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naabang bayan.

Kayong natuyan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
muling pabalungi’t tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy yaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala-balaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang [niyurakan][**]
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itangkakal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging [hikap][††]
kundi ang [matubos] sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo’y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay [mapatid]
ito’y kapalaran at tunay na langit!

nota:
[*] Sa ibang teksto, ang “sarili” ay naging “tinubuan” o “tinub’an.” Kung “tinubuan” ang gagamitin, lalabis ang sukat ng tula. Kung gagamitin naman ang tinipil na “tinub’an” ay posible ngunit magiging kakatwa sa pagbigkas. Batay ang “sarili” sa teksto mula kay Julian Cruz Balmaseda.
[†] Sa teksto ni Julian Cruz Balmaseda at itinala ni Teodoro T. Agoncillo, ang “lunóng” (luno+na) ay naging “buong” (buo+na). Sinundan ko rito ang teksto na ginamit ni Virgilio S. Almario. Tumutukoy ang “lunó” sa paghuhunos ng balát, gaya ng makikita sa pagpapalit ng balát ng ahas, o kaya’y pagpapalit ng balahibo ng tandang o aso.
[‡] Sa teksto nina Julian Cruz Balmaseda at Virgilio S. Almario, ang kataga ay tinipil na “niya’ ngunit hindi tinitipil ang dalawang pantig na salita sa Tagalog, at maaaring tumutukoy lamang ito sa “at.”
[§] Sa ibang teksto, gaya ng kay Virgilio S. Almario, ang “panghihinayang” ay naging “paghinay-hinay.” Sinundan ko ang teksto ng kay Balmaseda dahil ang “panghihinayang” ay higit na malapit na salita.
[**] Sa teksto ni Teodoro A. Agoncillo, ang “niyurakan” ay naging “inuusal.” Ginamit ko ang “niyurakan” na mula sa teksto ni Virgilio S. Almario na higit na angkop na salita kaysa “inuusal” na waring pabigkas lamang. Ang “pagyurak” ay napakabigat, na parang pagtapak at pagdurog sa dangal ng tao.
[††]Batay ito sa teksto ni Julian Cruz Balmaseda, ang saknong ay “Kayong mga dukhang walang tanging hikap/ kundi ang matubos sa dalita’t hirap/ ampunin ang bayan kung nasa ay lunas/ pagka’t ang ginhawa niya ay sa lahat.// Tumutukoy ang “hikap” sa pangangapa sa dilim, at ang ganitong tayutay ay bumabagay sa pagnanais na makaahon sa hirap.
....

Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
(Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres Bonifacio)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam
lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
Masayang sa iyo’y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba’y ang buhay na kipkip;
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saanman mautas ay di kailangan,
sipres o laurel, liryo ma’y putungan,
pakikipaghamok at ang bitayan
yaon ay gayundin kung hiling ng Bayan.
Ako’y mamamatay ngayong namamalas
na sa silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakaylangan
na maititina sa iyong liwayway,
dugo ko’y isabog at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapol magkaisip
nang kasalukuyang bata pang maliit
ay ang tanghalin ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal,
taas na ang noo’t walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid mang dungis niyang kahihiyan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka, ang hiyaw ng diwa
paghingang papanaw ngayong bigla-bigla.
Ikaw’y guminhawa laking kagandahang
ako ay malugmok at ika’y matanghal
hininga’y malagot, mabuhay ka lamang,
bangkay ko’y masilong sa ‘yong kalangitan.
Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo’y mangyaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa’y iparamdam
sa lamig ng lupa ng aking libingan
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki’y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki’y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung saka-sakaling bumabang humantong
sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaang humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula’y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit nang buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sinuman sa katotong giliw
tangisan maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin Bayan yaring pagkahimbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
nangagtiis hirap na walang kapantay,
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian
Ang mga nabao’t pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa,
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
At kung sa madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga’t
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain
kaipala’y [dinig] doon ang taginting,
tunog ng gitara’t salteryo’y magsaliw,
ako, Bayan, yao’t kita’y aawitin.
Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat
at wala nang kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa’y asarulin at kanyang ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latak ay bayaang
siya ang bahalang doo’y makipisan.
Kung magkagayon na’y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagkat himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo’y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit n’yaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako’y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo’y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.
Pagpasalamatan at napahinga rin,
pa’lam estrangerong kasuyo ko’t aliw,
paalam sa inyo mga ginigiliw,
mamatay ay siyang pagkakagupiling.


...
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Isinulat ni Andres Boniacio

ITONG Katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil dito'y mayaman ang kaasalan ng lahat. Bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog.
Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo.Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kukumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y inihalo't ininom nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang tinatawag na Sandugo (1) ng Haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa Espanya.(2)
Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sakagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.
At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan.
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang atingkatahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya (3) ng mga manlulupig na Kastila.
Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo't lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan, lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.
Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.....



Katungkulang Gagawin Ng Mga Anak Ng Bayan ‘Decalogo’
sinulat ni Andres Bonifacio
Ang ‘10 Kautusan’ Ng KatipunanAng mga nasa, isinalin mula sa wikang Castila ni Hermenegildo Cruz, Noviembre 1922
I. Ibigin mo ang Diyos ng buong puso.
II. Pakatandaang lagi na ang tunay na pag-ibig sa Diyosay siya ring pag-ibig sa Tinubuan, at iyan din ang pag-ibig sa kapwa.
III. Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan ng puri’t kaginhawahan ay ang ikaw’y mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang-Bayan.
IV. Lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw’y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.
V. Pag-ingatan mo, kapara ng pag-iingat sa sariling puri, ang mga pasya at adhikain ng KKK.
VI. Katungkulan ng lahat na ang nabibingit sa malaking kapahamakan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay iligtas,sukdulang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan.
VII. Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating tungkulin ay siyang kukunan ng halimbawa ng ating kapwa.
VIII. Bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.
IX. Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi ng pag-ibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa’t mga anak, sa iyong kapatid at mga kababayan.
X. Parusahan ang sinumang masamang tao’t taksil, atpurihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng KKK ay mga biyaya ng Diyos; na ano pa’t ang mga ninasa ng Inang-Bayan, ay mga nasahin din ng Diyos.
......

Talumpati ni Gat Andres Bonifacio sa Gabi ng Pagkakatatag ng KKK ng mga Anak ng Bayan


Nabalitaan agad ni Andrés Bonifacio ang pagdakíp cay Rizal. Hindî panglulumó ang pumasoc sa loob niya sa cahambalhambal na nangyari; cung dî sa bugsô ng̃ matindíng hápis sa pagyurak sa capurihán at catuwíran ng̃ inapíng capatíd, ay sumibol sa canyang pusò ang maalab na hang̃ad na ihayin ang buhay sa pagwawacsì ng̃ capangyarihan ng̃ Españang gumawa ng̃ gayong calaitlait na calupitan sa mg̃a mapagtiís na anác ng̃ Filipinas. Pagcabalità niyá ng̃ pagdakíp cay Rizal; pagcatapos ng̃ sandalíng pag-iisip ísip, ng̃ araw ding iyon, icapito ng̃ Julio ng̃ 1892, ay canyang inanyayahan sa pagpupulong na lihim si na guinoong Deodato Arellano, Briccio Pantás, Teodoro Plata, Valentin Díaz, Ladislaw Diwà at José Dizon. Hindî naluatan at dumaló ang mg̃a guinoong ito, na pinagsabihan ni Andrés Bonifacio ganitó ó cawang̃is nitong pananalità:

"Mg̃a Capatid:"
"Tayo'y di mg̃a pantás, caya hindî mariring̃al na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog ng̃ dugô."
"Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca."
"¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pang̃ang̃atuwiran! ¡Nang̃atuwiran si Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang mg̃a magulang, capatid, kinamag-anacan at cacampí!"
"¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin, mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat ng̃ ito, mabuti pa ng̃a ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos."
"At ng̃ maganap natin ang dakilang cadahilanan ng̃ pagpupulong nating ito'y ating maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan ng̃ mg̃a anác ng̃ Bayan."
"¡Mabuhay ang Filipinas!!!"

Sumang-ayong waláng alinlang̃an ang mg̃a capulong, at ng̃ gabí ring yaong ica 7 ng̃ Julio ng̃ 1892 ay nátatag ang Kataastaasan Kagalang galang Katipunan ng̃ mg̃a Anac Bayan.
Dinaíg ng̃ pananampalasan ni Despujol ang lahát ng̃ mg̃a sinulat ni Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at iba pang macabayang filipino; salamat sa pananampalasang iya'y napucaw ang púsô mg̃a Anac-Bayang pagwaray-warayin ang capangyarihang umaalipin.
At sa cagalinggaling̃an ang palacad ng̃ asal ng̃ nang̃apapanig sa Katipunan: "Gumawâ ng̃ gumawâ ng̃ waláng imíc", cabaligtarán ng̃ maraming capisanang. "Salitâ ng̃ salità'y walà ginagawâ." Hindî nagluat at libolibong filipino ang umanib sa Katipunang iyon.

mula sa:Pascual H. Poblete. Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal.
AT IPINALIMBAG NI
G. NENENG RIZAL
KAPATID NA PAÑGANAY NI
DR. JOSÉ RIZAL





bonifacio (1) portrait spanish blog

Link | Leave a comment {1} | Share

Homage to Maningning Miclat

Apr. 10th, 2012 | 01:18 pm
location: manila


a homage....




Maningning Miclat, a published author, multilingual poet, prize-winning artist, an interpreter and art teacher at Far Eastern University passed away at the tender age of 28.

Born and raised in Beijing, China for the first half of her life, she grew up to become an accomplished painter in both Chinese and Western genre and a multilingual poet, fictionist and essayist publishing her works in English, Filipino and Chinese.

Maningning had her first solo exhibit of Chinese traditional paintings at the age of 15 at the Cultural Center of the Philippines in 1987. "Maningning: An Exhibit of Chinese Brush Works" would only be the first of five solo exhibitions, and the first of about 32 total exhibitions for her. That same year, she launched her first book of poetry in Chinese "Wo De Shi", My Poems.

The sensitive artist / poet won the 1992 Art Association of the Philippines (AAP) Grand Prize in Non-Representational painting for her abstract, " Trouble in Paradise" while still a student at the University of the Philippines, College of Fine Arts. She would graduate with a Bachelor of Fine Arts, Major in Painting, Cum Laude standing, in 1994.

While excelling in the visual arts, she also followed her heart in the literary world. She became a fellow of the U.P. National Writer's Workshop in 1990 where she won an award and a Jullie Lluch trophy for her one-act play in Filipino. In 1991, she became a fellow of the Silliman Writer's Workshop for her poems in English. Her poems in Chinese would earn for her a niche in the Chinese poetry, counting her as one of the 39 Top-Rated Women Poets in Chinese anthologized in a book published in Beijing.

Multi-faceted Maningning "sold paintings, wrote for newspapers, designed book covers, taught Mandarin at the Ateneo University, and even had her second book, Voice from the Underworld published by Anvil Publishing." She would later teach art at the FEU while taking up masters in Fine Arts at U.P.

" Maningning as a child growing up in Beijing, was taught the Marxist definition of literature and the arts as concentrated representations of life and nature on a higher plane. Precociously maturing in Manila, she started creating her representations of beauty through painting and poetry. The ashes she left behind are now kept in a quiet sepulcher surrounded by nature's verdure at the foot of Subic's hills."

Maningning Miclat's poems:
http://www.facebook.com/note.php?saved&¬e_id=438958840686
http://emilyap.blog.friendster.com/tag/maningning-miclat/

Ang Naliligaw
Naliligaw ako sa paglalakbay,
Naliligaw sa kahahanap,
Naliligaw at hindi malaman
kung paano ba makabalik sa Oxford Street.

Naliligaw sa pamamasyal,
Hindi maintindihan ang mapa,
Hindi malaman kung bakit
Nandirito na naman sa Charing Cross.

Kaya umupo na lang sa Trafalgar Square,
Namulot ng balahibo ng kalapati,
Pero tinapon rin dahil mukhang marumi,
Mukhang maalikabok ang pakpak na nahuli.

Umikot na lang sa paligid,
Pinanood ang gusali,
Pinag-aralan ang kilos ng ibang turista,
Umikot at nag-isip, at naisip kita.

Naisip kita at inisip kita,
At bumalik ako sa National Gallery
Pumunta sa West Wing,
At doon, tumulala ako.

Naliligaw sa kalalakad,
na parang isang feather ng pakpak,
na hindi na makabalik sa ulap,
at hindi na makasama sa paglipad.

Buti na lang naisip ka
sa aking pagkaligaw,
Iniisip na mapapansin mo
ang ulap sa ‘yong paglalakbay.

At ninais na isipin ka
habang nakatulala kay Titian,
kay Bronzino at kay Michaelangelo,
at pinili kong isipin ka.

Pinili kong isipin ka,
sa paglalakbay at sa pagkaligaw.
Sa paghahanap ay nadarama ko:
Mahal, mahal na mahal kita.

----------------------------

Berso # 2

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog.

Kung mag-isa ako huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin.

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Marinig sa awit ng kabilang dako
At tuklasin sa paglalakad na ito
Hamog at luha ng bulaklak at damo.

Mapapanood ang sayaw ng tutubi
Mapapakinggan ang ibong humuhun
iHihinahon ang pusong di mapakali
At hihimlay na sa mapayapang gabi.

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay nahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog.

_______

Testimony
The territory of shadows is a petal,
An organic wish, a solidified thought,
An awareness of wind catching fishes,
A gratitude for getting rid of clothes.

With the kind gesture of an evening: low tide and safe,
I am sharing the water with the Hundred Islands.
Floating on the galaxies’ reflection,
I float as night sky carves down an embrace,
an elusive feeling of eternity and floating,
a gesture of wind and a bath of moonlight
from the sea bottom. I am the salt in the evening.
I am the celebration of beginnings.
I, finally getting rid of my clothes.
I, weightless, without knowing what.
Between the sky and me is the wind.

There is an ageless consciousness of being a woman.
There is a shapeless idea of being in the water.
There is a testimony of the sky and the earth.
There is no longer the terrestrial truth,
I am no longer a victim of war.


__________-

Ginugunita Kita #2

Marikit na tala ang tanglaw sa dilim,
Sa halimuyak ng matamis na hangin,
Sa gubat ng gabi ay hinihintay ko,
Mga kislap ng nilimot na pangako.

Habang may hapdi ang sugat ng kahapon,
Di maalpasan ang diwang nakakahon,
Inaawit ang kundiman ng pagsinta
Sa dalamhati ng pusong umaasa.

Ginuguni-gunita kita,
Binubuo sa alaala.
Pinapanga-pangarap ka,
Inuukit sa haraya.

____

Panibugho

Naunawaan ang hiwaga
sa titig mong umiiwas
kaninang umaga.
Nabasa ang talinghagang
tinago ng sansinukob.
Luminaw ang dahilan
sa nagmamadali mong pamamaalam.
Parang hindi na sasapit ang umaga
sa paninibugho sa dilim.

Buti na lang
hindi naririnig,
ang isip at kalooban
nitong himpapawid.
Hindi rin nakikiramdam
ang butiki sa dinding
sa mga dasal ng aking ligalig.

_______

Why A Mural ?
I want space - a two dimensional space.

To form form and forms
that change , while my arms
ways, my hand holds the brushto play
with the glacial acrylic paints.

Forms that bring back
the balance and rhythm
of xieyi painting
where yin is left in the whiteness
of rice paper, and yang is limned
by the shades of gray and black ink.

A space for the music of painting
where white is not blank but tone
and black is the silent interval
cantata tat springs forth from the air
vanishes backand remains as brushstrokes.

To absorb a process of change
in the gesture of a fearless arm
emotion that moves and grows:
forms being formed to forget
the finiteness of beginnings.

Beside this poem
is a prayer
frozen in the acrylic paints.

Beside this poem
is a mural
- a desire for space.

--------

Laughter

He left me
when he could
no longer stand the laughter

that I gave him
while he begged me not
to keep memories

alive in poems
to hurt myself
and make those
who read

sad. I laughed
when he shared
his life with me
while holding him

to make it easier
and maybe
less painful
to live on.

Laugh! I told
him, but
could not get
his attention.

Laugh! I asked
him, but
he left in
anger.

And left
before he understood
the courage
that held my laughter.
______

Father and I

The leaves are shaking,
"Look. It's the wind!"
You said, " No, those are leaves.
Wind cannot be seen."

Snowflakes whirl down
- An emblem of purity.
You said, " No, it is deception.
It is here to cloak the filth."

A lovely object
Took my fancy.
You said, "It's Useless."

I haven't walked too far,
But I am feeling tired.
Let me rest by the path for a while.

When the wind blows, I feel it.
When snow swirls down, I see it.
The lovely object I hold in my hand.

_____




compiled by emil yap
2008 nov 07

http://emilyap08.multiply.com/journal/item/45/homage_to_Maningning_Miclat
http://www.facebook.com/note.php?saved&¬e_id=438958840686






--------




-------

Link | Leave a comment | Share

2 tula ng Pag-ibig para Buwan ng mga Puso

Feb. 7th, 2012 | 11:30 pm
mood: awake





1.
Panata ng Isang Peti-Burges Sa Harap ng Huling Bote ng Serbesa
ni Emil Yap

habang inuubos ang huling bote
ng serbesa
nakamasid pa rin mga namumungay kong mata
sa labas ng bintana
sa mga taong nagsisidaan
mauusok na sasakyan
nakakasilaw na mga liwanag
kalyeng sementado
napakagulong kapaligiran
gabing madilim
hindi inaalintana
kahit oras na lumilipas
buwang banaag
nagbabalik gunita
ng makita tatong alakdan
hanging banayad
na lumilipad kasabay ng paghampas
sa hapis kong mukha
lumalatay nang bahagya

may lamig na dulot
yumakap sa balat
sa bawat tagay
sa malamig na serbesa
nagdudulot init hanggan
kaloob looban
himaymay ng laman
nalalangong pilit
pagsalag lumbay
sa purong damdamin
abang buhay
naglalaro sa kawalan
namuong pagmamahal
para sa pusong pagal
ikaw
na taga banal na kabundukan
isip na uhaw
sa magdamag
sabik na naghihintay
sa iyong pagdating
inaaninag bawat anino
na kumikilos sa labas
kasiyahan ng pag-asa
ng kinabukasan
ikaw
walang iba
sa huling tagay ng huling bote
ng malamig na serbesa
nabuo ang panata
iuupo sa pusong dalisay
aalayan ng pinong
pag-ibig
na hindi mapagkunwari
Pag-ibig
na inilaang tunay
sa iyo lamang...


_____________

2.
Ang Pag-ibig sa Araw ng Katapusan ng Mundo
ni Emil Yap


"I love you without knowing how,
or when, or from where.
I love you simply,
without problems or pride:
I love you in this way because
I do not know any other way of loving but this,
in which there is no I or you,
so intimate that your hand upon my chest is my hand,
so intimate that when I fall asleep your eyes close."

— Pablo Neruda
(100 Love Sonnets: Cien sonetos de amor)


sa paghampas ng hangin sa aking mukha
nagpipitik bulag ang mga imahinasyon ng mga nakalipas
nangingiti ... napapaluha.... inaalala....
kanina dalawang araw bago ang katapusan ng mundo....

akoy magbabalik muli sa tag-ulan ng mga pangarap
ihahanda ang bagong punla ng mapulang umaga
hahamon ng mga kasiyahan sa makulay na larawan
bubulong sa mga anito para sa katiyakan ng mga pangako....

pinag-isa ang puso para sa bagong hinaharap
pagsasamang ganap para sa kaligayahang lubos
mga elemento sa istrukturang pinanday
ng mga salita at pangungusap ng mapanglabang makata

iiwanan na ang lumang kabanata ng nakaraan
magkatuwang sa paghahanda
magkatuwang sa paglilinang
magkatuwang sa pagbabago....

iisa ang pangarap
sa magkaibang larawan
ng mapaghamong mga salita
at makukulay na guhit....

ang paglalakad paikot at pabalik
sa mga daang maiinit ng urban
sa apat na lugar ng magulong espasyo
saksi ang burgesyang kapaligiran

pagmamahal na isinasabog
ng mga kaluluwang banal
ngiti,
kwento,
milagro,
pag-ibig,
dalawang araw bago ang katapusan ng mundo

Link | Leave a comment | Share

new proposal P15 and P150 Philippine peso bills

Jan. 26th, 2012 | 12:47 pm
location: cavite
mood: artistic

Link | Leave a comment | Share

Ang Bukas Ng Pag-Ibig

May. 28th, 2011 | 10:15 am





Ang Bukas Ng Pag-Ibig
sagot sa Hindi kita IIbigin

Kung iibig man ako
muli ngayon
handa kong kapitan
ang isang punyal
na kumikitil ng kaligayahan....

kung iibig man ako
muli ngayon
handa akong pumagitna
sa trahedya na dumidiskaril ng mga akala...

kung iibig man ako
muli ngayon
handa akong mabartolina
maipakita lang ang wagas kong katapatan....

ubos lakas kong susubukan
at sasalubungin
mga unos at galit ng kapaligiran
at iibigin kita
dahil mas minamahal
kita...

ngayon...

ngunit ang aking Pag-ibig
kung IIbig mang muli
ay may isa pang mukha
ng pagmamahal...

di lamang kita iibigin
dahil ikaw ay ikaw
ang pag ibig ko sa iyo ay
pag-ibig din sa bayan

tulad ng aking pagmamahal
sa masang inaapi at pinagsasamantalahan
tulad ng pagkapit ng mga magsasaka
sa mapagpalayang alyansa sa mga manggagawa

tulad ng higpit na pagkakatangan ng karit ng mga magbubukid
at maso ng mga manggagawa ganyan ko ikukumpara
ang higpit ng aking
pagmamahal

tulad ng tamis sa masasayang mukha ng mga di kilalang taong
sumasalubong sa mga pwersang mapagpalaya kung silay dumarating
duon sa lalawigan ng ating bayan

iyan ang bukas ng pag-ibig na
maiialay sa iyo
isang pag-ibig na di makasarili
isang pag-ibig na di lamang para ating dalawa

isang taus pusong pag-ibig
na pinanday ng karanasan
sa mga luma at bagong kwento
ng pakikibaka
ng isang bayan na mayaman
ngunit mahirap

ang bukas
ng aking Pag-ibig
ay iyo....


emil
mayo,2011
zapote




Link | Leave a comment {1} | Share